Tuesday, 28 January 2014

Pain

Gusto kong magdisappear, gusto kong magka time machine. Pero hindi pwede, kasi andito na ako sa present. Kailangan kong harapin lahat, kailangan kong magpakatatag. Para saan pa ang paghihirap kung di ko man lang lulubos lubusin? Sa totoo lang, ipon ipon na tong nararamdaman ko oh. Sobrang dami nang problema, naiipon na. Sino ba dapat kasangga natin sa ganito? Pasalamat ako kasi may isa akong kaibigan na halos kaparehas ng problema ko, kaya naiintindihan nya ako. Pero asan nanga ba yung mga dati kong kaibigan? Yung mga kaibigan ko dati na sawi, na halos walang ginawa kundi umiyak at magtanung magpaadvice sakin halos araw araw. Hayy magaling lang ba kapag may kailangan? Nakakalungkot. Kasi miss ko na sila eh, miss na miss :(

Kakauwi ko lang actually from Q.C, atleast nakalimutan ko ung stressful life ko dito sa bahay kahit once lang. Pero dumagdag ata ung pagkastress ko sa napanuod ko eh, yung if only? Ang sakit ng movie na yun. Kailangan mo pabang mapanaginipan yung mahal mong mamamatay bago mo mapatunayan sakanya kung gaano mo sya kamahal? Pero naaawa ako sa lalaki, siguro may mga bagay na di parin sya napatunayan. Tulad ng, sabi nga nung matanda "just love her" pero diba di pa nya kilala yung mga magulang nung girl? Kasi panay sya work. Laging sinasabi nung babae na sumama sya para makilala yung parents pero laging may work. Mabuti nalang nakapanaginip sya ng masama, narealize nyang di nya pala kayang mawala yung mahal nya. Kasi sabi nga nung matanda, mahal mo nga sya pero napapatunayan mo ba? "Appreciate her" yun lang naman eh. Mahalin mo ung mga bagay na gusto nya at mahal nya, mahalin mo sya na para bang wala ng bukas. After that awful dream nung lalaki, ginawa naman nya. Pinaramdam at ipinakita naman nya yung pagmamahal nya kaso si babae, nagkulang sa paniniwala. Pero kasi ang weird din, di nga naman maiintindihan nung babae ung nangyayari. Nakakalungkot talaga yung ending. All this time akala ko yung babae ung namatay, pero totoo palang panaginip sya. Panuorin nyo nalang! A must watch movie! "He loved her like there was no tomorrow"

No comments:

Post a Comment