Dahil alam kong wala namang makakabasa nito, susulitin ko na. :D
Kagabi kasi, bigla ko syang naalala. Napangiti pa nga ako actually! Siguro dahil sa pagkamiss? na minsan alam kong may taong kagaya mo ang dumating sa buhay ko. While watching, sabi ko sa sarili ko, "kamusta na kaya yun?" wala eh. di naman na tayo nagkakausap hahaha! isang taon nanga eh. Di ko alam bakit, pero paborito talaga kita eh. Haha mas marami akong naibblog pag ikaw yung topic, kaya pwede ko naman siguro ikwento sakanila love story natin no? :p
Naalala ko non, sabi nya sa akin "Pam, maguunli ka paba?" eh yun yung time na close na kami, asaran dito asaran don. Haha Eh yun din kasi ung panahon na broken hearted ako sa aking crush! Niloko kasi ako hahahaha tapos yun nga, dun palang sa tanong nyang, Pam maguunli kaba? Kinabahan na ako. Pero hinayaan ko lang, sabi ko sa sarili ko "hindi pam, tropa lang lang." Tapos, dahil don mas naging close tayo pero dahil sa kaengotan ng pagiisip ko, kahit na nasa likod lang kita, tinext kita. Sabi ko "wag na tayong magpansinan! :D" Simple lang na text sinabi ko pero napakameaningful. Kasi ayoko isipin nila o mo na rebound lang kita. Binalewala mo pa nga yun eh, kinakalabit mo parin ako pero ako, nagstick ako talaga sa sinabi ko hanggang sa that day din, hinika ako. (Karma nga naman) tapos umuwi ako nun alam ko, then after non, nagtext ka ng badang 5pm sabi mo pa "Alam ko di tayo bati pero sana okay kana." Something like that yung text mo, haha ginawa ko nun pagkarecieve ko nagcomment ako sa Fb ng mga kaklase natin na mga nagpopost, sabi ko itext si ernesto para loadan ako haha pero dahil sa crush mo na ako nun hahahahaha nagtext ka ulit "pinaloadan na kita. Kasi nararamdaman kong magrereply ka =)))" Hahaha ancute talaga dati. Tapos ayun na, umokay na tayo. Di ko alam kung ano tawag sa relasyon natin noon, kasi more than friends na turingan natin sa isat isa non eh. Patay ilaw moments sa room? Yung tipong hihiga ka sa lap ko tapos magsosoundtrip lang tayo. Haha o kaya naman, pag inantok hihiga lang ako sa tabi mo, tapos gagawin kong unan ung braso mo kahit na ngalay na ngalay kana wala ka paring reklamo. Tapos naglelevel up tayo, may pagholding hands na hanggang sa nahuli nanga tayo ng bestfriend ko eh, diba? :D Kinikilig sya sa atin kasi baka tayo na di pa tayo nagsasalita. Hahaha! Matapos ng masasayang araw natin non, isang araw bigla mo nalang akong di inimik. Sabi mo pa nga non, kaya di mo pinapansin kasi nakita mo akong katabi si CRUSH ko dati, hahaha nagselos ka yata. pero ang totoo nyan, wala akong maalalang naging katabi ko sya. Late ka nun eh, pero alam kong kahit wala ka di ko sya kasama pero dahil di mo ko pinapansin, at katabi ng bestfriend ko si crush ko dati, umupo na ako sa row nila. Painting painting chuchu natin yun eh. Tapos sakanya nalang din ako nagpatulong kasi ano bang malay ko sa pagpapaint. Hahaha! Natandaan ko pa, di na picture natin yung wallpaper mo sa phone mo (ayon sa source ko) honestly, inutos ko sa crush ko dati na tignan wallpaper ng phone mo! Hahaha kinabahan na lalo ako kasi pinalitan mo na. Tapos wala akong alam ano kasalanan ko. HAHAHA dumaan ung mga araw na naging malabo tayo. Nagkakatinginan pero iwas agad. At dahil di na ako makapag timpi, nagpatulong na ako sa bahits, sabi ko di ko na kaya na walang kaasaran, lalapitan na kita. Then yes! Umokay tayo bumalik tayo sa dati :*
Month of december 2011
Epic talaga yang month na yan. Kasi december 3, nagkayayaan tayong magkakaklase na bumili na ng mga pang regalo. Hahaha kakatuwa eh, kasi kapal ng muka mo para sabihin na sayo ung blue magic na paper bag. Ayaw ko lang kamo aminin tapos pinahawak ko pa sayo sa dami ng dala ko hahaha dahil nainis ako sayo, paguwi natin bago ka sumakay ng trike pasainyo, inabot ko na without saying anything. Hahaha tapos kinilig ka alam ko kasi nagstatus ka ng "Hawakan mo ang aking kamay at tayong dalaway maghahasik ng kaligayahan" Hahah nagcomment pa nga ako ng heart shape, then you did the same tapos etong epal kong bestfriend nagcomment din ng what is the meaning of this?! <3 hahaha! Eto din yung month na nagpaparinig na ako sayo hahaha "Lalalala.. Sana may magregalo sakin ng necklace na dslr yung pendant" Ewan ko saang lupalop mo nahanap yun at naibigay mo sakin yun nung christmas party hahaha! natatawa pa nga ako nung christmas party kasi nagprepare kayong volta boys ng mga songs na pang prom then you asked us girls pra isayaw. tapos sabi mo sakin nun, napaka ungentleman "oy halika na sayaw tayo" hahaha tapos after the party, nagsine tayong volta. na badtrip pa nga ako nun kasi di moko nilalapitan hahaha pero dahil kay aleng nadapa sa sinehan, natawa ako at naging okay tayo. Tapos medyo holding hands hahahaha!
December 27, nagtanung ka sabi mo pa nga "Eshy may ikkwento ako sayo, importante" ANOBAYAN! Ikkwento? Hahaha sabi ko, "At ano namang kwento yan at napakaimportante?" hahaha kakatuwa ka talaga nun. Yun pala, "pwede bang manligaw?" hahaha! sus, nanligaw pa. eh halos ang tagal nating M.U hahaha! Tapos jan. 2 2012 sinagot kita. Ang saya lang nating dalawa, may mga kunting problema pero nalalagpasan naman eh. Naalala mo ba nung feb 1 2012? Your birthday? Na halos first ever awayan natin? na umiyak talaga ako. kasi akala mo nung jan 30 na pinagtatawanan ka namin pero di mo alam iniba lang namin ung usapan kasi nakakainis bigla kang pumasok ng room eh nagiisip kami ng pwedeng ibigay sayo hahahaha kasi sinabihan nila ako na "Ano kaba, bukas na bday nung tao wala kang gagawin?" HAHAHAH! tapos yun, first kiss ever kaya natin yang araw na yan :"> Tuwa ka no? -____- Feb 2, ofcourse monthsary natin na kung kelan 11:40 na, TINULUGAN MOKO! At di talaga kita pinansin ng araw na yan kasi bwisit ako sayo hahaha pero you never fail me :* Kasi ikaw ang nagpasaya sakin nung araw na yun :)
Sa dami ng pinagsamahan nating dalawa, ewan ko ba. Miss na miss ko lahat yun!
Naalala mo ba nung intrams? syempre, same jersey number tayo! :D 02 :"> tapos nagtampo ka, at di kumain kasi natalo team nyo hahaha ako lang nagpagoodvibes sayo nun kasi batok abot mo sakin pag naginarte kapa! Hahaha miss ko na yung pagsayaw natin ng superbass sa gitna ng field kasi pinatugtog yung fave song natin na yun :* Tapos tatakas tayo sa volta pra kumain sa canteen.. Hahaha ang saya saya. Pero nabadtrip ka sakin kasi one time, may isang buong magaraw na di moko nakasama kasi tamad na tamad ako ng araw na yun. Di lang tamad, antok na antok. Yung nagsleepover kami kanila sis tapos 3am na kami nakatulog ni shane eh gigising pa ng 5am! FUDGE hahaha sabi mo pa "ASAN NANAMAN BA SI ESHY?" Sagot nila, "NASA BARRACKS, TULOG" Hahahaha! I love you po! :* hahaha!
Valentines day? Pano ko ba makakalimutan yan? Eh first time mo akong bigyan ng paper hearts na sinulatan mo. Tapos kinilig pa ako kasi you kissed me on my forehead. :* Akala ko pa nga may flowers kang ibibigay eh hahahahahahahahahahaha labyu. pero kuntento na ako, ikaw palang na gift para sakin solve na ako! :) Pero dahil malapit na maggraduation.. syempre malungkot parin tayo kasi malapit na tayo magkahiwalay kung kelan nabuo palang tayo ng masasayang alaala.
Sa totoo lang, ikaw ang pinakamasayang alaalang nangyari sakin. Ikaw yung taong nagparamdam sakin ng kung ano ang love, ikaw ang nagparamdam sakin ng saya na deserve ng isnag tulad ko. Siguro kung babasahin to ng iba, mga kumento nila "Aba, perfect relationship" Oo, perfect nga. Pero sa labas lang yun eh. May mga bagay na kapag naaalala ko, masakit parin. Tatanungin ko kayo, Ano ba ang pakiramdam ng yung boyfriend mo parang may something din sa bestfriend mo? Ay hindi, eto nalang pala, Ano mararamdaman mo pag nakita ng dalawang mata mo ung saved msgs ng bestfriend mo na ang daming text dun ng pinakamamahal mong boyfriend? I love you so much? I miss you? dafuq. :) Ang sakit sakit. Yun na yung pinakaayokong bangungot sa lahat. Sana pwede ko irewind yung panahon na sana nung una palang, di na ako pumayag na tawagin mong bunso yung bestfriend ko. Sana una palang nagalit na ako nung pasimple mong inabutan ng chocolate yung bestfriend ko nung valentines day. Sana nagalit na ako dati pa. Sana nagduda ako agad kahit alam kong lagi kayong magkachat at magkatext. Pero hindi eh, nanahimik ako. Pero kahit ganun, salamat kasi nirespeto nyo parin ako kaso pakiramdam ko, di lang tayo ung nagbreak eh. kasi simula nung nagbreak tayo, prng narin kayong nagbreak ng bestfriend ko.
Pero okay na ako. :) Natanggap ko naman na eh, matagal na hahaha. Sana yung necklace na binigay mo sakin na binalik ko sayo,sana andyan parin. sana tinago mo :) Youre a good guy, kasi nakilala na kita eh. Kahit na nagkamali ka, at never mong inamin ang pagkakamali mo alam kong mabait na tao ka at alam kong minahal mo ako.
Kung nababasa mo lang to, DAVID RAJ SUNTHARESAN, I just wanted to say na I misses you so much! :)
No comments:
Post a Comment