3 yrs ago, dito lang sila nagsimula. Growing up days. As in nene at totoy pa silang dalawa. Nung mara clara days kasi ni kathryn, si Albie ang kalove team nya don pero di naman nagclick, as in parang partner lang sila on screen then wala halos silang fans club. Noong growing up days nila, based on the interviews to them ilang pa daw sila sa isat isa non. Dun pa nga yung time na may issue pa si Daniel sa ex girlfriend nyang si Zharm. Inamin naman ni daniel na crush na nya si kathryn, while kath syempre bata pa sya and besides wala sa isip nya yung mga ganun. Hanggang sa dumating yung time na pumatok yung love team nila. Nagkaroon na ng KATHNIEL, dito narin nagsisulputan yung mga ibat ibang fans club nilang dalawa. Sabi non sa isang article, tinry lang naman dw nila yung dalawang to. Pero nagulat sila, nagclick naman at may chemistry. Para sa akin, nung una di ko sila gusto. Napapanuod ko sila pero di ko sila talagang bet. Pero si kath, oo fan ako nun. Kasi bata palang child star nsya.. While daniel, nung una ko syang nakita sa tv eh di ako nagwapuhan hahaha kasi ang payat nya non at talagang bad boy look. So yun nga, usap usapan parin ang di pagmove on ni zharm na ex ni daniel. Inaaway nya si kath, sinasabihan ng masasamang salita. Di man natin alam kung ano talaga break up nila pero im sure minahal naman yun ni daniel. Mabait naman siguro si zharm, siguro namimisinterpret nya lang kasi si kath e former classmate nya dati. Naging mas lalong mainit pa yung usapan nong nagtweet yung GF ng Kuya ni Kath.. Yung sabi pa nga non "di ka naman sisikat kung di ka maipapair up sakanya eh. Patunayan mong lalaki ka" something like that.. Tas ikinagulat ng lahat noong nagtweet si Dj. sabi nya "Okay na po, naayos ko na po ang lahat sa alam kong tama. Masaktan na po ako wag lang si kathryn bernardo" ganyan tweet nya. So dun palang, ipinagsisigawan nya na talagang kath is special to him. Until time goes by, naging sikat na talaga love team nila. May mga movies like 24/7 online, sisterakas at ang patok at highest raiting na princess and I.
Sa ngayon, dami na nilang achievements. Andyan yung nagkamovie sila noong may 2013, Must be love. Kahit na may kalove triangle dun na si Liza Soberano eh di parin natinag ang kathniel. Tapos ngayon, before the 2013 ends, successful din ang Pagpag which is di nanga nila nilagyan ng kilig pero kahit na horror andun parin talaga yung kilig between them. Got to believe... Eto ngayon yung super palaging trending gabi gabi sa primetime! Grabe magpakilig ang kathniel dito, phenomenal talaga. Dito ko sila nastart gustuhan. Kasi iba talaga yung chemistry nila. Kawawa lang talaga yung ibang artista na nababash lalo na kapag may ibang ipapair up kay dj haha! pero wala eh, iba kasi pag si kath at dj ang nagsama. Based narin sa mga interviews nilang dalawa, siguro di nrn maikakailang sila na talaga. Nagsimula lang naman yung mga endearment nila sa Baba at pottie, hanggang sa isang pep mag na sabi BABE dw then BEB. Tapos ngayon "BAL" short for kambal. Marami naring artistang fan nila. Halos lahat kinikilig sakanila, pati mga staffs na nakakasama nila eh super fan nrn sa dalawa. Pano ba naman kasi, on/off cam sweet sila sa isat isa. Super caring at gentleman kasi ni dj eh. Napapakilig nila ang mga tao effortlessly. Dami ko ring nababasang articles about sakanila, photos na nagkalat sa twitter facebook o sa lahat ng social networking sites kapag tinype mo ang kathniel, mapapagood vibes ka lang. Kasi as in walang nalilink sa dalawa. Walang third party pero skasi naman, EXCLUSIVELY DATING na ang dalawa. :">
Super swerte naman kasi ni kath for having dj in her life. Sabi nga nya, si dj ang nagturo sakanya ng reality. Hindi mashowbiz si daniel in terms of showing his care for kath. Special daw kasi talaga si kath skanya. Makikita mo sakanilang dalawa yung pagtutulungan, kasi marami silang pangarap sa isat isa. Kung solid kathniel fan ka, malamang naiintindihan mo tong mga sinasabi ko at hindi ko na kayang ilagay pa lahat ng sweet moments nila kasi sa sobrang dami di ko na alam paano ko yun sisimulan sabihin dito. Haha!
Sana sila na forever, parang yung loveteam nila John lloyd and angelica. Alam ko 10 yrs tumagal yung love team nila. Just like kathniel's. Sa ngayon, malakas pakiramdam ko na matagal tagal pa silang magkakasama. Sa sobrang patok ba naman ng love team nila, ang tanga naman ng management kung paghihiwalayin sila. Saka mraming fans ang malulungkot kung ipair sila sa iba. Lalo na si daniel. Sana lang di sya magbago. Mamaya kasi kapag nagkaroon nasya ng bagong kalove team eh gawin din nya lahat ng sweet things na nagwa na nya kay kath. Edi ang labas nun, parang babaero talaga sya. Naging sincere sya kay kath, at kitang kita ng lahat yun kaya sana magstay ng matagal. Ngayon parang inuunti unting ipair up sa iba si dj, ganun rin si kath kaso sa lakas ng love team nila di talaga kayang paghiwalayin.
Im so proud to be a fan girl.
Wala kasi akong love life hahaha! Sila ang love life ko. :> Osya, hanggang dito nalang. Dami ko ng nasabi. Sana lang makita ko sila in real life, ng masaksihan ko yung sweetness nila on/off cam :">


No comments:
Post a Comment